Huwebes, Nobyembre 20, 2008

Ang Pag-gawa ng Lesson Plan

Sa araw na ito talakayan sa pag- gawa ng lesson plan ang aming pinag-usap. Dahil kami ay ang mga sinasabing susunod na mga dakilang guro sa aming henerasyon kailangan naming ihanda ang aming sarili sa pagharap sa aming mga tungkulin bilang isang guro. Isang mahalagang kagamitan ng isang guro ang paggawa ng kanyang lesson plan sapagkat dito nakasalalay ang kanyang propesyon. dito niya itinatalaga ang mga impormasyon na kinakailangan niyang ipabatid o ibahagi sa kanyang mga mag-aral, at ng saganon ay mas maging maganda at presentable ang pagpapahayago pagtuturo niya.

Kayat bilang paunang hakbang sa pagtahak namin sa aming napiling propesyon ay nagkaroon kami ng pagtalakay tungol sa pag-gawa ng lesson plan. Itinuro ni Sir ang iba't- ibang parte ng isang lesson plan, kung paano ito ginagawa, at higit sa lahat kung paano ito gingamit bilang isang epiktibong sandata sa apgtuturo. Ipinabatid rin niyang kung anu-ano ang kahalagahan ng bawat parte nito. maging kung paano gumawa ng isang mabisa at magandang objective ng iyong lesson plan. At upang ang objective daw ng isang lesson plan ay maging maganda, kinakailangan nitong magtaglay ng tatlong aspeto patungkol sa ating buhay. and una rito ang kognitive, sunod ang affective at ang huli ay saykomotor.

Kinakailangan din na SMART ang iyong lesson plan, kung saan ang S ay para sa Specific, M sa Measurement, A sa Attainable, R ito dapat ay Reasonable, at ang T para sa Time bounded.

At yan lamang po sa arw na ito. MARAMING SALAMAT.

Martes, Nobyembre 18, 2008

Ang Kahulugan ng Wika

Isang magandang talakayan ang nabuo ng klase ngayong araw sapagkat isang napaka interisting na aralin ang inihain sa amin ng aming bagong guro. Ang talakayan ay umikot sa pagbabangayan kung anu ba talaga ang tunay na kahulugan ng wika para sa mga taong gumagamit nito. ayon sa isang dalubwika o isang dalubhasa sa Wika na nagngangalang Henry Gleason ang nagbigay ng isang kahulugan kung anu nga ba ang tunay nr kahulugan ng salitang Wika sa kanyang sariling pagkakaintindi. ayon s akanya ang Wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magtamit s akumunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang lipunan o grupo. Ito and isa sa mga kahukugang ginagamit ng mga guro sa Filipino ngayon. Upang magkaroon rin ng sariling pagpapakahulugan ang aming klase sa kung anu nga ba ang Wika para sa amin ay nagkaroon kami ng kunting paguusap at talakayan para makabuo ng isang kahulugan. nahirapan ang lhat sa pagbigay ng kanilang salriling ideya kung anu nga ba ang ibig sabihin ng salitang Wika. inaqbot kmi ng maraming oras para lang makalikom o makakuha ng mga impormasyon sa aming mga kamag- aral. Subalit sabi ng niyan kailangang gumawa ng paraan at pursigihin ang sarili ng makapgisip ng isang ideya para lang makabuo ng isang pagpapakahulugan sa kung ano ang salitang Wika. Sa pagkahaba- haba ng talakayan sa pagbibigay ng kahulugan s akung anu nga ba ang tunay ng kahulugan ng salitang Wika ay mas minabuti nalang namin na paniwalaan ang ibinigay na kahulugan ni henry gleason. kung kaya bago matapos ang klase ang masaya nag lahat sa ginawqanga talakayan sapagkat m,as nalinawan sila sa kung anu nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang Wika sa amin.

Subalit isang puna lang, nais ko sanang mas pagtuunan pa nhg pansin ni Sir iyong mga taong di nakikinig sa oras ng talakayan kasi ng kakasira sila sa pakikinig ng ibang estudyante na nais matuto. Sana ay mas galingan pa ni Sir ang kanyang pagtuturo, gaya na lamang ng mas malakas na boses sa oras ng talakayan ng sagayon ay mas makuha niya ang atensyon ng aming mga kamag- aral.

Yan lang po sa araw na ito at sana ay palaging mayroong ganitong uri ng talakayan.

MARAMING SALAMAT.

Huwebes, Nobyembre 13, 2008

Ang pagatas ng mga gawain

Araw ng huwebes, mga dakong alas 2:00 ng hapon ng namalayan ko na ngayon pala ang ikalawang araw ng pagpasok ng among bagong guro na si Ginoong Sto. Tomas sa aming klase sa Filipino, subalit nahuli ako ngayon ng pagpasok sapagkat may mahalagang bagay akong pinuntahan ngunit sinubok ko paring makapasok kahit na alam kung hindi na dapat. Kung hindi lang ako sinabhan ng aking kapwa kamang- aral na magbibigay ng mga gawain si Sir para sa aming lahat ay mas minabuti ko nalang sana na huwag nalang pumasok. Subalit dahgil sa pag- aalala ay pumasok nalang ako kahit na nakakahiya.

Ng pag-pasok ko sa aming silid ay natuon ang attensyon ng ilan sa aking mga kamag- aral sa aking pagpasok, subaliy ininda ko nalang ito kahit na alam kung tinatawanan nila ako, basta sa akin ay sinubok ko parin na pumasok kahit na huli ng mabigyan lamang ako nin Sir ng aking gagawin.

Siguro yan lang sa araw na ito kasi talagang halos wala na akong naabotan ng pagpasok ko, subalit ayon sa aking ilang kamag- aral ay wala naman daw talagang masyadong ginawa kundi ang pagbigay ng ulat. kaya kahit papaano ay nabawasan ang aking pag-aalala dahil wala naman pala talagang masyadong ginawa.

Martes, Nobyembre 11, 2008

Sa Unang Pagkikita

Sa mahigit kumulang na tatlong araw ng di pagdating ng aming dating guro sa Filipino na si Dr. Esla Durante, ay napagtanto ko na sa aking isipan ang sinabi sa akin ng aking kaibigan na hinahawakan rin ni Ginang Durante sa isang subject sa Filipino na may pumalit na sa kanya. Kayat laking galak ko nalang ngayon araw ng makita na namin ang sinasabing pumalit na guro kay Dr. Durante ay doon ko na mismo mas mapatunayan sa aking sarili na totoo nga pala ang sinasabi ng aking kaibigan. Laking gulat ko ng malaman ko na kababayan ko pala ang bago naming guro na si Mr. Irvin Sto. Tomas. Sa aking pagkakakilala si Sir ay anak ng dati kong guro sa music noong ako ay nasa elementarya na si Ginoong Ireneo Sto. Tomas. Di alintana sa akin kung di man ako kilala ni Sir dahil ngayon lang pa naman niya ako nakita.

Magkahalong saya at lungot ang aming nadama sa mga oras na iyon. Masaya sapagkat sa wakas ay maybago na kaming guro sa Filipino na muling maghahatid ng mga makabagong informasyon at idea para sa aming kinukuhang propesyon. At sa kabilang banda ay malungkot sapagkat sa ilang sandali ay di na muna namin makikita at makakasama ang aming dating guro na si Dr. Durante dahil siya raw ay nasa leave ayon sa isang source. Subalit ang lahat ay nauwi sa kaligahan habang kami ay tumutungo sa aming usapan sa piling ng aming bagong guro. Mas minabuti nalang namin na salubungain ng may ligaya, tuwa, saya at ngiti sa aming labi ang aming bagong guro ng sagayon ay mabuti rin ang pagsalubong niya sa amin bilang mga bago niyang estudyante.

Siguro ngayon ay naninibago sa aming lahat kung kayat di pa gaanong maayos ang kanyang pagpahayag ng kanyang sarili sa aming lahat. Hindi pa siguro kasi nakakapag-adjust ang aming guro kung kaya siya ay nalilito at nahihinto paminsan- minsan. Subalit alam namin na sa paglipas ng mga panahon at oras ng kanyang pamamalagi dito sa CSPC ay makukuha rin niyang mai-adjust ang kanyang sarili para sa mas magandang pagpapahayag at mas lalo pa niyang mapapagbuti ang kanyang pagtuturo.

Sana sa susunod ay mas lakasan pa ni sir ang kanyang boses ng saganon ay mas marining namin ng mas maayos at mas mabuti ang kanyang mga sasabihin. Sana paminsan minsan ay maging strikto siya ng saganon ay di masyadong nagiingay ang klase at ng mas matuto ang lahat. At umaasa rin ako na magbibigay rin si Sir ng kanyang sariling explenasyon at kumento sa bawat paksa na aming pag-uusapan sa loob ng paaralan. At hindi lang sana siya magrelay sa libro o ano paman na materyales sa pagtuturo. Umaasa rin ako na di magkakaroon ng anu mang paboritismo si Sir sa kahit sino paman sa aking mga kamg- aral at tratuhin niya ang lahat ng pantay- pantay. Maging maaga rin sana siya sa pagpasok sa klase para walang masayang na oras.

At sa aking mga kamag- aral hinihingi ko na sana ay matuto silang gumalang at tumahimik kung may nagsasalita sa unahan, at mas magi silang responsable sa bawat gagawin, pero syempre kasali ako diyan dahil isa rin akong mag- aaral ni Sir.

At ito ang araw ng aming unang pagkikita ng aming bagong guro. Sana ay mas makilala pa namin si Sir ng saganon ay mas maging maganda ang pagsasama namin sa kanya at siya sa amin sa loob at labas ng paaralan.