Huwebes, Nobyembre 20, 2008

Ang Pag-gawa ng Lesson Plan

Sa araw na ito talakayan sa pag- gawa ng lesson plan ang aming pinag-usap. Dahil kami ay ang mga sinasabing susunod na mga dakilang guro sa aming henerasyon kailangan naming ihanda ang aming sarili sa pagharap sa aming mga tungkulin bilang isang guro. Isang mahalagang kagamitan ng isang guro ang paggawa ng kanyang lesson plan sapagkat dito nakasalalay ang kanyang propesyon. dito niya itinatalaga ang mga impormasyon na kinakailangan niyang ipabatid o ibahagi sa kanyang mga mag-aral, at ng saganon ay mas maging maganda at presentable ang pagpapahayago pagtuturo niya.

Kayat bilang paunang hakbang sa pagtahak namin sa aming napiling propesyon ay nagkaroon kami ng pagtalakay tungol sa pag-gawa ng lesson plan. Itinuro ni Sir ang iba't- ibang parte ng isang lesson plan, kung paano ito ginagawa, at higit sa lahat kung paano ito gingamit bilang isang epiktibong sandata sa apgtuturo. Ipinabatid rin niyang kung anu-ano ang kahalagahan ng bawat parte nito. maging kung paano gumawa ng isang mabisa at magandang objective ng iyong lesson plan. At upang ang objective daw ng isang lesson plan ay maging maganda, kinakailangan nitong magtaglay ng tatlong aspeto patungkol sa ating buhay. and una rito ang kognitive, sunod ang affective at ang huli ay saykomotor.

Kinakailangan din na SMART ang iyong lesson plan, kung saan ang S ay para sa Specific, M sa Measurement, A sa Attainable, R ito dapat ay Reasonable, at ang T para sa Time bounded.

At yan lamang po sa arw na ito. MARAMING SALAMAT.

Walang komento: