Huwebes, Nobyembre 13, 2008

Ang pagatas ng mga gawain

Araw ng huwebes, mga dakong alas 2:00 ng hapon ng namalayan ko na ngayon pala ang ikalawang araw ng pagpasok ng among bagong guro na si Ginoong Sto. Tomas sa aming klase sa Filipino, subalit nahuli ako ngayon ng pagpasok sapagkat may mahalagang bagay akong pinuntahan ngunit sinubok ko paring makapasok kahit na alam kung hindi na dapat. Kung hindi lang ako sinabhan ng aking kapwa kamang- aral na magbibigay ng mga gawain si Sir para sa aming lahat ay mas minabuti ko nalang sana na huwag nalang pumasok. Subalit dahgil sa pag- aalala ay pumasok nalang ako kahit na nakakahiya.

Ng pag-pasok ko sa aming silid ay natuon ang attensyon ng ilan sa aking mga kamag- aral sa aking pagpasok, subaliy ininda ko nalang ito kahit na alam kung tinatawanan nila ako, basta sa akin ay sinubok ko parin na pumasok kahit na huli ng mabigyan lamang ako nin Sir ng aking gagawin.

Siguro yan lang sa araw na ito kasi talagang halos wala na akong naabotan ng pagpasok ko, subalit ayon sa aking ilang kamag- aral ay wala naman daw talagang masyadong ginawa kundi ang pagbigay ng ulat. kaya kahit papaano ay nabawasan ang aking pag-aalala dahil wala naman pala talagang masyadong ginawa.

Walang komento: