Martes, Nobyembre 11, 2008

Sa Unang Pagkikita

Sa mahigit kumulang na tatlong araw ng di pagdating ng aming dating guro sa Filipino na si Dr. Esla Durante, ay napagtanto ko na sa aking isipan ang sinabi sa akin ng aking kaibigan na hinahawakan rin ni Ginang Durante sa isang subject sa Filipino na may pumalit na sa kanya. Kayat laking galak ko nalang ngayon araw ng makita na namin ang sinasabing pumalit na guro kay Dr. Durante ay doon ko na mismo mas mapatunayan sa aking sarili na totoo nga pala ang sinasabi ng aking kaibigan. Laking gulat ko ng malaman ko na kababayan ko pala ang bago naming guro na si Mr. Irvin Sto. Tomas. Sa aking pagkakakilala si Sir ay anak ng dati kong guro sa music noong ako ay nasa elementarya na si Ginoong Ireneo Sto. Tomas. Di alintana sa akin kung di man ako kilala ni Sir dahil ngayon lang pa naman niya ako nakita.

Magkahalong saya at lungot ang aming nadama sa mga oras na iyon. Masaya sapagkat sa wakas ay maybago na kaming guro sa Filipino na muling maghahatid ng mga makabagong informasyon at idea para sa aming kinukuhang propesyon. At sa kabilang banda ay malungkot sapagkat sa ilang sandali ay di na muna namin makikita at makakasama ang aming dating guro na si Dr. Durante dahil siya raw ay nasa leave ayon sa isang source. Subalit ang lahat ay nauwi sa kaligahan habang kami ay tumutungo sa aming usapan sa piling ng aming bagong guro. Mas minabuti nalang namin na salubungain ng may ligaya, tuwa, saya at ngiti sa aming labi ang aming bagong guro ng sagayon ay mabuti rin ang pagsalubong niya sa amin bilang mga bago niyang estudyante.

Siguro ngayon ay naninibago sa aming lahat kung kayat di pa gaanong maayos ang kanyang pagpahayag ng kanyang sarili sa aming lahat. Hindi pa siguro kasi nakakapag-adjust ang aming guro kung kaya siya ay nalilito at nahihinto paminsan- minsan. Subalit alam namin na sa paglipas ng mga panahon at oras ng kanyang pamamalagi dito sa CSPC ay makukuha rin niyang mai-adjust ang kanyang sarili para sa mas magandang pagpapahayag at mas lalo pa niyang mapapagbuti ang kanyang pagtuturo.

Sana sa susunod ay mas lakasan pa ni sir ang kanyang boses ng saganon ay mas marining namin ng mas maayos at mas mabuti ang kanyang mga sasabihin. Sana paminsan minsan ay maging strikto siya ng saganon ay di masyadong nagiingay ang klase at ng mas matuto ang lahat. At umaasa rin ako na magbibigay rin si Sir ng kanyang sariling explenasyon at kumento sa bawat paksa na aming pag-uusapan sa loob ng paaralan. At hindi lang sana siya magrelay sa libro o ano paman na materyales sa pagtuturo. Umaasa rin ako na di magkakaroon ng anu mang paboritismo si Sir sa kahit sino paman sa aking mga kamg- aral at tratuhin niya ang lahat ng pantay- pantay. Maging maaga rin sana siya sa pagpasok sa klase para walang masayang na oras.

At sa aking mga kamag- aral hinihingi ko na sana ay matuto silang gumalang at tumahimik kung may nagsasalita sa unahan, at mas magi silang responsable sa bawat gagawin, pero syempre kasali ako diyan dahil isa rin akong mag- aaral ni Sir.

At ito ang araw ng aming unang pagkikita ng aming bagong guro. Sana ay mas makilala pa namin si Sir ng saganon ay mas maging maganda ang pagsasama namin sa kanya at siya sa amin sa loob at labas ng paaralan.

1 komento:

qamartag ayon kay ...

Best 5 Casinos Near Richmond, VA 2021 - MapyRO
Best 5 Casinos Near Richmond, VA 2021 · 1. Hollywood Casino 안양 출장마사지 in Renton, Texas 인천광역 출장샵 · 2. Casimba Casino in 삼척 출장샵 Renton, Texas · 화성 출장샵 3. Ameristar Casino in Renton, Virginia · 4. 나주 출장샵 Bally's